♥ Ang mga hinagpis ni Florante
⇒ Sa isang madilim na gubat, nakatali sa puno si Florante at napag-isip-ispi niyang wala na siyang pag-asa at kinalimutan na siya ng lahat maging sa Diyos.
♥ Alaala ni Laura
♥ Ang pag-ibig kay Flerida
⇒ Makilala natin dito si Aladin, isang gererong Moro na lumayas sa kanilang kaharian dahil inagaw ng kanyang ama ang kanyang kasintahan na si Flerida kaya dumating siya sa kagubatan kung saan nakagapos si Florante.
⇒ Akala ni Aladin na nag-iisa siya sa kagubatan pero narinig niya ang panaghoy ni Florante tungkol sa kanyang ama kaya napaisip rin niya ang kanyang masamang ama na kung saan ay ang kabaliktaran sa ama ni Florante.
⇒ Patuloy pa rin ang panaghoy ni Florante pero ngayon ay tungkol na sa kanyang paalam kay Laura at sa bayan niyang Albanya na akala niyang siya'y kinalimutan na.
♥ Pagsagip mula sa pangil ng mga leon
⇒ Naawa na si Aladin habang narinig niya ang boses ni Florante kaya siya ay nagpasya na tulungan niya ito ngunit nagdalawang-isip siya noong nalaman niya na isang kristyano si Florante pero wala na siyang nagagawa kundi tumulong dahil sa mga leong handang aatakihin si Florante.
♥ Pagkalinga sa isang kaaway
⇒ Pagising ni Florante ay si Laura agad ang kanyang iniisip at nagulat siya noong nakita niya si Aladin, ang kanyang kalaban at sinubukan niyang bumangon pero mahina pa siya kaya binantayan siya ni Aladin hanggang makagalaw na siya ulit.
♥ Pagbabalik tanaw ni Florante sa kanyang kamusmusan
⇒ Sa bahaging ito, nagbabalik-tanaw si Florante sa mga importanteng pangyayari ng kanyang buhay mula noong siya ay isilang hanggang sa nasadlok siya sa kaawa-awang kalagayan at isinalaysay rin niya kung paano siya hinubog ng kanyang magulang.
♥ Si Adolfo
⇒ Sa araling ito, makilala natin si Adolfo, isang matalino at masipag na estudyante ngunit lumabas ang kanyang totoong kulay noong nagalit siya dahil naungusan siya ni Florante.
♥ Trahedya sa buhay ni Florante
⇒ Dito natin matutunghayan ang mga sunod-sunod na trahedya sa buhay ni Florante na nagpahirap at nagpalungkot sakanya.
♥ Paghingi ng tulong ng Krotona
⇒ Habang naghihilom ang sakit ni Florante mula sa pagkamatay ng kanyang ina ay
ipagkakatiwala sa kanya ang malaking responsibilidad na isalba ang Krotona mula sa pagsakop ng mga moro.
♥ Pagtatagpo nina Florante at Laura
⇒ Masaksihan natin dito ang unang pagtagpo nina Florante at Laura at mararamdaman natin ang tinding pagmamahal ng binata sa prinsesa.
♥ Sa Krotona
⇒ Pagkatapos tumapat ng pag-ibig ni Florante kay Laura, umalis siya papuntang Krotona kasama si Menandro para labanin ang mga moro at naging matagumpay sila kaya naging masaya ang mga taga Albanya lalong lalo na si Laura at nakuha rin niya ang pagmumuno sa Albanya na kung saan ay ikinagalitan ni Adolfo.
♥ Ang pagtaksil ni Adolfo
⇒ Pagbalik ni Florante sa Albanya, nakita niya si Laura na nakagapos at hinatulang mapugutan ng ulo dahil hindi niya tinggap ang panliligaw ni Emir sa kanya kaya iniligtas siya ni Florante.
♥ Ang pagpaparaya ni Aladin
⇒ Sa araling ito, nagkwento ng malungkot si Aladin tungkol sa kanyang buhay, sa pag-agaw ng kanyang ama sa kanyang kasintahan na si Flerida, sa pagpahirap at sa pagbilanggo sa kanya kaya tumakas nalang siya at narating siya sa kagubatan.
♥ Ang pagtatagumpay laban sa kasamaan
⇒ Tumakas rin si Flerida at pumunta sa gubat upang hanapin si Aladin ngunit iba ang kanyang nakita at ito ay si Adolfo na may balak gawing masama kay Laura kaya pinana niya ito para maligtas ang dalaga at pagkatapos ay nagpakita sina Florante at Aladin pagkatapos nilang narinig ang boses ng mga dalaga kaya sa wakas, ay nagkita-kita na ang dalawang pares.
♥ Ang pagwawakas
⇒ Sa wakas ay nagkatagpo na ang dalawang pares pagkalipas ng anim na taon at naging masaya si Menandro at ang kanyang hukbo noong nalaman nilang ligtas sila at masayang bumalik at namuno bilang Hari at Reyna sa Albanya sina Florante at Laura, at kasama nila pabalik ay sina Aladin at Flerida at bininyagan sila bilang Kristiyano at pagkatapos ay bumalik sa Persiya sina Aladin at Flerida.