Friday, September 28, 2018

Nagbalik


Nagmahal, nasaktan at naiwanan na
pero bakit ako ay kumakapit pa?
Siguro oras nang maniniwala sa
''Pinagtagpo pero 'di itinadhana''.

Ngunit sa oras na susuko na ako,
bigla-biglang tumigil ang buong mundo 
noong ako ay ipinaglalaban mo
at 'pinaniwala mong meron pang ''tayo''. 

Sabi mo sakin mahal mo parin ako
at parang 'di totoo ang mga ito.
'Di ko talaga ito inaasahan,
tayong dalawa ba ay magbabalikan?

Bumalik na ang liwanag sa buhay ko
at sa wakas ay sumasaya na ako.
Araw-araw, puso ko'y sumasabik
dahil sayo mahal nung ika'y bumalik. 

Sunday, July 8, 2018

Mga Katha Sa Filipino ( Mga Kasabihan at Palaisipan)





 ✿ Ang taong minamahal ka ng totoo, ay dapat hindi pakawalan mo.



 Ang mga taong nagsasabi ng katotohanan, ay ang mga taong palagi nating maaasahan.







✿ May limang langgam ang nakaharang sa dinadaanan mo. 
Ayaw mo silang saktan kaya sinisigawan mo nalang sila para umalis sila sa takot. 
Ilan ang lumilipad palayo?
     ━☆ Wala, dahil hindi lumilipad ang langgam.  🐜🐜🐜🐜🐜

✿  Ano ang pangalan ng nanay ni Andrea. 
Ang mga kapatid ni Andrea ay sina Shifra at Bea. 
Ang tanong, ano ang pangalan ng nanay nilang tatlo? 



     ━☆ Si Ano. (dahil ang unang pangungusap ay hindi nagtatanong)