Nagmahal, nasaktan at naiwanan na
pero bakit ako ay kumakapit pa?
Siguro oras nang maniniwala sa
''Pinagtagpo pero 'di itinadhana''.
Ngunit sa oras na susuko na ako,
bigla-biglang tumigil ang buong mundo
noong ako ay ipinaglalaban mo
at 'pinaniwala mong meron pang ''tayo''.
Sabi mo sakin mahal mo parin ako
at parang 'di totoo ang mga ito.
'Di ko talaga ito inaasahan,
tayong dalawa ba ay magbabalikan?
Bumalik na ang liwanag sa buhay ko
at sa wakas ay sumasaya na ako.
Araw-araw, puso ko'y sumasabik
dahil sayo mahal nung ika'y bumalik.
Nilalaman at Pamamaraan- 20/20
ReplyDeleteEstilo- 14/15
Orihinalidad- 10/10
Kabuuan- 44/45